15 bahay nasunog sa CDO

UMABOT sa may 15 bahay ang nasunog sa Piaping Puti, Cagayan de Oro kaninang madaling araw.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), lampara at  kandila  ang dahilan ng sunog  na nagsimula  sa bahay ng isang Cristina Cainglis na kaagad kumalat sa  kalapit na  bahay.

Ayon kay Fire Chief Inspector Richard Baang, umabot sa general alarm ang nangyaring sunog at umabot sa P1.7 milyon ang danyos.

Ayon sa pahayag ni Macabalan Kapitan Norbel Saa, ito na ang pangalawang sunog na nangyari sa kanyang lugar

Nabatid na dahil sa mga masikip na daan ng naturang barangay kaya naging mahirap sa mga bombero ang pagpasok sa lugar para maapula ang naglalagablab na apoy.

Sa ngayon, bumalik na sa kanilang bahay ang mga residente na unang lumikas dahil sa takot na madamay habang ang iba ay pansamantalang tumuloy sa Macabalan Elementary School. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply