15 tripulanteng Pinoy na pinalaya ng Somali pirates iuuwi na ng Pinas

INAAYOS na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapauwi sa 15 tripulanteng Pinoy na pinalaya ng Somali pirates noong November 25.

Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, naiparating na nila sa pamilya ng nasabing mga Filipino seafarers ang magandang balita.

Ang mga nabanggit na tripulante ay lulan ng cargo ship na MV Rosalia D’Amatao na sinalakay ng mga pirata noong April 21 sa bahagi ng Indian Ocean.

Nakikipag-ugnayan na rin ang gobyerno sa principal at manning agency ng mga ito para sa kanilang agarang repatriation.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply