150 bahay nilamon ng apoy sa Sampaloc

NAABO ang 150 shanties o barung-barung matapos sumiklab ang sunog kaninang tanghali sa residential area sa Sampaloc, Maynila.

Nabatid na alas 12:58 ng tanghali nang magsimula ang sunog sa kahabaan ng Legarda St., at San Miguel na halos kalapit lamang ng San Beda College sa nasabing lugar.

Umabot sa ikalimang alarma ang naturang sunog na idineklarang fire under control ganap dakong ala-una ng hapon.

Sa imbestigasyon ng arson investigator, nahirapan umanong pumasok ang mga bummbero sa lugar dahil makipot ang mga eskinita kaya mabilis na nilamon ng apoy ang mga bahay na gawa sa light materials.

Kaugnay nito, muli namang nagpaalala ang fire bureau sa mga residente na ibayong mag-ingat lalo na sa nalalapit na pagsalubong ng Bagong Taon.

Wala namang naiulat na nasaktan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply