16 sugatan sa banggaan ng dyip at bus sa QC

NASANGKOT muli sa aksidente ang isa sa mga bus na tinaguriang “dangerous bus” na ikinasugat ng 16 na pasahero  matapos nitong banggain ang isang pampasaherong dyip sa Edsa-Balintawak Quezon City, kaninang umaga.

Ayon sa mga testigo sa lakas umano ng pagkakabangga ng Victory Liner sa dyip ay tumaob ito na nagresulta sa malubhang pagkakasugat ng mga pasahero nito.

Agad namang itinakbo ang lahat ng sugatan sa MCU Hospital, sa Caloocan City.

Ilan sa grabeng nasugatan ay nakilalang si Cesar Umil, na pumutok ang ulo matapos tumama sa bakal ng dyip.

Ang iba pang nasugatan sa kanilang mga ulo ay sina Melissa Perlito at isang Danilo Shing.

Ayon sa ulat ng Quezon City District Traffic  Enforcement Unit Traffic Sector 1 inamin umano ng drayber ng dyip na nakilalang si Alejandro Gader na nagbaba ito ng pasahero sa overpass nang salpukin ng bus ang kanyang dyip dakong 10:00 ng umaga.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang drayber ng dyip at ng bus upang malamang kung paano nangyari ang madugong aksidente.

May posibilidad din na masuspinde ang franchise ng nasabing bus.

Matatandaan na isa ang Victory Liner sa 20 atinagurian na “Dangerous Bus” ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa pagkakasangkot sa ilang mga aksidente, na itinanggi naman ng management ng kumpanya ng bus.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply