171,947 pamilya binura sa listahan ng CCT

TINANGGAL sa listahan ang may mahigit 170,000 pamilya sa conditional cash transfer (CCT) program bilang bahagi ng reporma ng Department of Social Welfare and Development sa nasabing programa alinsunod sa tagubilin ng Commission on Audit.

Natuklasan umano ng COA sa 2010 report nito na maraming pamilya na nakasama sa CCT kahit ‘di naman sila ang pinaka-hirap sa buhay. Natuklasan din ang mga double-entries sa listahan ng DSWD kung saan nagkaroon ng sobrang pondo o idle fund na umaabot sa P19.47 milyon.

Dahil dito, sinimulan noon pang Nobyembre ang  paglilinis ng listahan ng anti-poverty program ng pamahalaan ng may 171,947 pamilya na natagpuang hindi karapat-dapat o sinadyang ibilang sa listahan dahil sa mga pandaraya.

Ang mga nangyayaring pagdodoble sa listahan ay bunsod umano ng mga pagkakamali sa pangongolekta ng datos ng National Household Targeting System for Poverty Reduction, ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman.

Siniguro naman ni Soliman na isang beses lamang nabigyan ang mga benepisaryo ng programa. Sa katunayan umano ay 13,890 na pamilya na nadoble sa listahan ang nawala na sa lista.

Ayon kay Soliman, itutuloy ng pamahalaan ang programa at aayusin ang automation ng pagkakakilanlan sa pamamagitan ng biometrics. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply