2 ‘magnanakaw’ tumba sa parak sa Kyusi

DALAWANG hinihinalang magnanakaw ang nasawi makaraang makaengkuwentro ng mga ito ang mga pulis sa Commonwealth Avenue madaling-araw ng Lunes, Disyembre 12.

Base sa report ng dzBB, nakipagputukan ng baril ang mga hinihinalang magnanakaw sa mga pulis bandang ala-1:30 ng madaling-araw.

Nabatid pa na bago ang barilan, ninakawan umano ng mga suspek ang isang nagngangalang Jun Jimenez sa kahabaan ng Commonwealth Avenue kung kaya humingi ng tulong ang biktima sa police patrol team.

Nakorner naman ng patrol team sa may kanto ng Commonwealth Avenue at Tupas Street ang mga suspek ngunit pinaputukan ng mga ito ang mga rumespundeng pulis.

Narekober ng pulisya ang belt bag ng biktima, 9-mm at cal-.38 handguns.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply