2 anak naglayas; ama nagbigti

DAHIL sa sobrang pangungulila sa dalawang anak na naglayas winakasan ng isang ama ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti kaninang umaga sa Pasay City.

Halos nakaluhod lang nang matagpuan ang bangkay ni Arvin Balber, 31, nang matagpuan ang kanyang bankay sa No. 738 E. Rodriguez st., Brgy.165 Zone-18 habang nakapulupot ang electrical wire sa kanyang leeg.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Chris Gabutin ng Station Investigation Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay City Police, ganap na alas-9:00 ng umaga nang madiskubre ni Jomari Batchinicha ang biktima.

Ayon sa misis ng biktima na si Marivic Balber, 32, bandang alas-4:00 ng hapon kahapon (Disyembre 7) nang makita nito ang asawa na buhay at umiinom ng serbesa.

Makalipas ang ilang sandali ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawan ang biktima at ang misis nito dahil sa paglalayas ng dalawang anak.

Nagtungo sa loob ng kanilang silid ang biktima at hindi na ito lumabas hanggang matuklasan ang matigas na bangkay. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply