2 bata dinukot sa Cebu

SINISIYASAT ngayon ng Cebu PNP ang kaso ng dalawang bata na sinasabing dinukot matapos na ireport na missing, ayon sa ulat ng kapulisan ngayon.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, una nang dumulog ang ina ng mga biktima na si Lita Ramos sa Tabuelan police station upang ireport na nawawala ang kanyang anak na sina Rowena Ramos, 11, grade 3 pupil at Rubelyn Ramos, 7, grade 1 pupil, residente ng Barangay Poblacion, lungsod ng Tabuelan.

Napag-alaman na inutusan na bumili ng asin ang mga biktima ngunit makalipas ang buong magdamag ay hindi pa nakauwi ang dalawang bata dahilan para mag-panic na ang ina at nagpasyang ipa-blooter ito sa himpilan ng pulisya.

Subalit makalipas ang isang araw ay may impormasyon na may nakakita umano sa mga biktima na puwersahang tinangay ng isang babae na nakatakip sa mukha at apat na lalaki at isinakay sa isang panel type na sasakyan.

Ayon kay Insp. Emmanuel Masong, hepe ng Tabuelan police, patuloy pang biniberipika ang naturang report.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply