Dalawang bebot tiklo sa ‘cytotec pills’ for sale

ARESTADO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang supplier ng kilalang pampalaglag na gamot na “cytotec” sa isinagawang operasyon  sa Caloocan City kaninang umaga.

Ayon kay NBI Reaction Arrest and Interdiction Division (NBI-RAID) head Ross Jonathan Galicia, nakilala ang mga inaresto na sina Maxima Enriquez at Yolanda Ramos.

Base sa report, sina Enriquez at Ramos ay inaresto sa kanilang bahay sa Marulas, Caloocan City alas 3:00 ng madaling-araw sa bisa na rin ng warrant of arrest.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang awtoridad na ang mga naaresto na sinasabing mga vendor ng herbal products sa paligid ng simbahan ng Quiapo ay nagsu-supply umano ng cytotec tablet.

Agad namang nagsagawa ng surveillance camera ang tauhan ng NBI at nang makumpirmang positibo ang natanggap na impormasyon ay agad na dinakip ang mga suspek.

“Kitang-kita sa surveillance video na inaabot ni Enriquez ang isang banig ng cytotec sa bumibili pati ang ipinambayad sa kanya,” ayon sa opisyal habang ipinapanood sa media ang naturang video.

Nakumpiska naman ang dose-dosenang cytotec pills sa bahay ng mga suspek.

Nakatakda namang sampahan ng paglabag sa violation of RA 4729 or the Law on Contraceptive Drugs and Devices.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply