2 bus, taxi ngkarambola 18 nasugatan

UMAKYAT na sa 18 pasahero ang nasugatan sa karambola ng dawalang pampasaherong bus at isang taxi sa Quezon City Sabado ng umaga.

Nabatid sa ulat ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 3  naganap ang insidente dakong 11:00 ng umaga kahapon sa kahabaan ng Edsa Cubao at Aurora Blvd.QC.

Naunang iniulat na matapos maganap ang aksidente umabot lamang sa 12 katao ang nasugatan sa naturang aksidente subalit pagsapit ng hapon umabot na ito sa 18 katao.

Ayon kay Emy Valderama radio operator ng QC District Traffic Sector 3 isinugod ang mga nasugatan sa Quirino Labor Hospital at East Avenue Medical Center.

Sinabi sa ulat sa hindi pa mabatid ang dahilan ng pagbanggaan ng pampasaherong bus na Alps bus (TYS-418) na minamaneho ni Ricardo An,58, at Malanday bus MetroLinks bus (TWR-385) na minamaneho ng driver nito na si Wilson Ilagan, 51.

Bunga ng naturang banggaan nadamay naman ang isang taxi (TXS-431) na minamaneho Reynaldo Samortin,53.

Ayon sa ulat tinatahak ng dalawang pampasaherong  bus ang North bound ng Edsa sa Cubao nang maganap ang karambola.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang mga nasugatang pasahero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply