2 German hinoldap ng 6 na menor de edad

DALAWANG dayuhang German nationals ang hinoldap ng anim na hindi nakilalang mga menor de edad sa lungsod ng Pasay kaninang umaga.

Base sa blotter ng pulisya ng Pasay, naglalakad umano ang mga dayuhan sa tulay sa may Cabrera Street ng harangin at titukan sila patalim ng mga suspek at kinuha ang kanilang mga wallets at mga gadgets.

Ayon sa isa sa mga biktima na hindi napabanggit ng pangalan, kakagaling lang nila sa airport dahil sinundo niya ang kanyang kaibigan ng mangyari ang insidente.

Kaagad naman nagsagawa ng follow up operation ang kapulisan para sa dagliang pagkakahuli ng mga salarin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply