2 kelot kulong sa panghahalay sa 16-anyos na dalagita

SWAK sa piitan ang dalawang binata matapos halayin ang 16-anyos na dalagitang kapitbahay na nalasing habang nakikipaglamay sa patay sa Caloocan City Lunes ng madaling araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Mark Anthony Zamora, 20 at Joeyboy Isidro, 26 kapwa ng Dalisay St., Maypajo ng lungsod.

Nabatid na kagabi ay nakipaglamay ang 16-anyos na biktimang hindi pinangalanan sa namatay na kaanak ni Isidro sa Eliza St., Maypajo ng lungsod.

Nagkainuman at dakong alas-3:00 ng madaling araw ay nalasing ang dalagita at inimbitahan ng mga suspek na makitulog na lang sa bahay ni Isidro.

Dahil kapitbahay at tulog pa ang mga kasama sa bahay ay pumayag ang dalagita subalit pagpasok sa bahay ni Isidro ay pinagtulungan ng mga suspek na halayin ang dalagita.

Hindi na nakapalag ang biktima at nang mahimasmasan ay agad na umuwi sa kanilang bahay.

Nagsumbong ang biktima sa kapatid na naging dahilan upang ipadakip ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply