2 bebot nabundol ng military truck sugatan

DALAWANG babae ang nabundol habang naglalakad ng isang military truck ng Philippine Army sa bayan ng Quinapundan, lalawigan ng Eastern Samar.

Ang mga biktimang sina Ma. Trinidad Bagalay at Dyreen Dungzon ay naglalakad lang umano sa gilid ng kalsada nang mahagip sila ng military truck kung saan ang isa sa kanila ay nabale ang paa at ang isa ay nagkaroon ng mga sugat at galos sa katawan.

Kaagad naman isinugod ang dalawang biktima sa Eastern Visayas Medical Center sa Tacloban City ng mga sundalong sakay ng naturang trak.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply