2 mangingisda natagpuang patay sa Sarangani

NATAGPUAN na ang dalawang bangkay ng mangingisda habang nakalutang sa dagat na bahagi ng Malbang, Maasim, Sarangani province.

Ang pagkakatagpo sa dalawang bangkay ay kinumpirma ng hepe ng Maasim Police Station na si C/Insp. Loreve Rojo.

Ayon sa pamilya ng mga biktima, ang mga ito ay pumalaot noong Disyembre 5 ng umaga subalit biglang lumaki ang alo sa dagat at hindi na nakauwi.

Nabatid na natagpuan na lamang na wala ng buhay ang mga biktima na hindi pa sinabi ang mga pangalan.

Sinabi lamang pa ng opisyal ang mga biktima ay nasa edad 41 at 63 na nakatira sa Brgy. Poblacion at Kablakan, Maasim, Sarangani. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply