2 mangingisda ng Sarangani, nilason sa Indonesia

INIIMBESTIGAHAN na kung nilason ang dalawang mangingisda na umuwing bangkay sa Malapatan, Sarangani province galing ng Indonesia.

Kinilala ang mga mangingisda na sina Louie Lao at Rogelio Ulila na taga-Purok 10, Poblacion Malapatan, Sarangani at isang survivor na si Roel Montecillo.

Sa inisyal na imbestigasyon ni Insp. Rodel Habison ng Malapatan PNP, pumalaot umano ang tatlong mangingisda patungong Indonesia noong Disyembre 7 ng taong kasalukuyan subalit sa kanilang pagdating sa nasabing bansa, nagdesisyon silang umuwi kaagad ng bansa.

Batay sa pahayg ni Montecilla, pagsapit sa Maruri Island ay binawian nang buhay si Lao at sumunod naman si Ulila.

Sinabi ng survivor na pinulikat umano ang dalawa dahilan ng kanilang kamatayan subalit malaki ang hinala ng  mga pulis na posibleng nilason ang mga biktima na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pahayag ng survivor kung ano talaga ang nangyari sa pagkamatay ng mga mangingisda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply