2 mangingisda pinugutan ng ulo sa Sibugay

KAPWA pugot ang ulo ng dalawang mangingisda nang matagpuan sa Nipa-Nipa Island, malapit sa Malangas probinsya ng Zamboanga Sibugay nitong Martes ng gabi.

Sa naantalang ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, nakita ng mga crew ng isang fishing boat ang pumpboat na palutang-lutang sa shoreline ng nasabing isla habang dumadaan ang mga ito sa lugar.

Nang tingnan ay nakita nila ang dalawang bangkay na pugot ang mga ulo.

Kinilala ng awtoridad ang dalawang mangingisda na sina Charlie Atilano ng Poblacion Margosatubig at ang isa pang kasamahan nito na si Fernando Pelota ng Vincenzo Sagun, Zamboanga del Sur.

Lumalabas sa imbestigasyon na pagmamay-ari ng dalawang biktima ang pumpboat kung saan sila natagpuan at posibleng doon din mismo sila pinugutan ng ulo dahil na rin sa bakas ng mga dugo.

Hinihinalang mga pirata na nambibiktima ng mangingisda ang may kagagawan sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply