2 miyembro ng ‘Bukas kotse gang’ tepok sa parak

NASAWI ang dalawang pinaghihinalaang miyembro ng “Bukas-kotse gang” makaraang makipagbarilan sa mga miyembro ng Manila Police District (MPD) sa bahagi ng Quirino Avenue sa lungsod ng Maynila kaninang madaling araw, Nobyembre 9.

Nabatid na namatay sina alias Mark at Bongbong Muslim makaraang makipagbarilan sa nagpapatrulyang mga pulis ng MPD Station kung saan naaktuhan ng mga ito ang dalawang suspek na binabasag ang likurang bintana ng isang police car.

Nabatid pa na nang komprontahin umano ng mga awtoridad ang mga suspek ay biglang nagpaputok ang mga ito na nagresulta sa pakikipagbarilan sa operatiba ng MPD.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang kalibre 38 na ginamit ng mga suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply