2 mosyon ni GMA dedesisyunan ngayon

NAKATAKDANG desisyunan ngayon ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang dalawang mosyon kaugnay sa 10-araw na Christmas furlough ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Unang didinggin ang inihaing mosyon ni Gng Arroyo na 10-araw para makasama nito ang mahal sa buhay ngayong Pasko sa kanyang bahay sa La Vista, Quezon City mula Disyembre 23 hanggang January 2 ng susunod na taon.

Naghain din ang depensa para payagang makagamit ng cellular phone ang dating Pangulo, dahil bilang isang mambabatas ay kailangan niyang gampanan ang kaniyang trabaho.

Si Ginang Arroyo ay kasalukuyang naka-hospital arrest sa Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC).

Kaugnay nito malamang na manatili sa kanyang kulungan si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos dahil sa suspendido na simula nitong Lunes ang lahat ng court hearing.

Dahil dito, ang motion for house arrest ni Abalos ay hindi na mareresolba ngayon ni Pasay City RTC branch 112 Jesus Mupas.

Nakatakdang magbalik ang lahat ng court hearing sa darating na Enero 9 at unang reresolbahin ang motion for inhibition na hirit ni Abalos. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply