2 nalunod sa Cagayan River

DALAWA katao ang nasawi makaraang malunod habang tinatangkang tawirin ang umapaw na Cagayan River, ulat ng local government official ngayong umaga.

Ayon kay Isabela Gov. Faustino Dy III, nakilala ang mga nasawi na sina Eugenio Alonzo, 25, ng Barangay Nieva Norte, bayan ng Benito Soliven at Joey Quiravo, 36, ng Barangay San Vicente, San Pablo.

Ayon kay Dy, ipinag-utos na niya ang forced evacuation sa 34 kataong naninirahan sa landslide-prone area ng Isabela.

Nabatid pa kay Dy na mayroong 7,450 pamilya ang apektado ng pagbaha na kasalukuyang nananatili ngayon sa evacuation centers ng naturang lalawigan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply