2 pamilyang binaha sa CDO, nasunugan naman

MAKARAANG bahain sa pananalasa ng bagyong si “Sendong,” matinding dagok ang sinapit ng dalawang pamilya nang masunog ang kanilang bahay sa Villa Angela sa Barangay Balulang, Cagayan De Oro City.

Nanunuluyan sa evacuation center ang mga nasunugang pamilya nang matupok ng apoy ang kanilang bahay kagabi (Disyembre 20).

Batay sa ulat ang mga biktima ay gumagamit ng kandila dahil walang kuryente sa nabanggit na lugar at hinihinalang iyon ang dahilan na pinagmulan ng sunog.

Hindi naman kumalat sa iba pang kabahayan ang apoy. Maliban sa umano’y kandila, inaalam pa ang tunay na naging sanhi ng sunog.

Wala naman iniulat na namatay o nasaktan sa naganap na sunog na agad din namang naapula. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply