2 parak nasa ‘hot water’ dahil sa pamamaril

NASA hot water ngayon ang dalawang miyembro ng Philippine Ntaional Police (PNP) matapos na masangkot sa pamamaril sa magkahiwalay ng insidente sa Maynila Pasko ng gabi (Disyembre 25).

Nahaharap sa kasong grave threats at posibleng masibak sa tungkulin ang unang pulis Maynila na si PO1 Fulgencio Sideco.

Nabatid na dalawang civilian ang nasugatan nang tamaan ng ligaw na bala mula kay Sideco dakong alas-9:00 kagabi matapos manggulo sa isang Christmas party at bigla na lamang binaril ang isang celebrant.

Gamit ni Sideco ang kanyang 9mm service firearm kung saan dalawang beses umanong nagpaputok.

Nakilala naman ang isang pulis na si PO1 Raymond Pascua nakatalaga sa Philippine National Police Crime Laboratory sa Camp Crame.

Sa inisyal na imbestigasyon, binaril umano ni Pascua ang isang lalaki na nag-aamok sa isang punerarya sa Maynila gamit ang kalibre .45 kung saan dalawa rin ang tinamaan.

Ang dalawang biktima ay isinugod sa Mary Jhonston Hospital upang lapatan ng lunas.

Ang dalawang pulis ay naaresto at nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply