2 paslit natusta sa sunog sa Las Piñas

NASAWI ang dalawang paslit makaraang masunog ang kanilang tahanan nang mapabayaang nakasindi ang kandila sa Las Pinas kaninang madaling araw, Disyembre 29.

Nakilala ang biktima na si Eloisa May Bialza at Mark Elvis Bialza.

Ayon sa kanilang ina na si Marilou, iniwan niyang nakasindi ang kandila sa lapag ng kanilang bahay bago matulog.

Nagising na lamang umano siya nang puno na nang apoy ang kanilang bahay at hindi na niya nagawang iligtas pa ang kanyang mga anak.

Naganap ang sunog hatinggabi at naapula lamang bandang ala- 1 a.m.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply