2 patay sa flashflood sa Northern Luzon

DALAWANG katao ang namatay, habang 56,000 residente naman ng Northern Luzon ang naapektuhan ng naganap na flashflood sanhi ng patuloy na pagbuhos ng ulan sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw.

Sa report na ibinahagi ng NDRRMC, apektado ng pagbaha ang lalawigan ng Aurora, Cagayan at Isabela sa Northern Luzon.

Ayon sa NDRRMC, dalawang katao ang naitalang casualty ng pagbaha na kinilalang sina Edgar Montemayor Canonizado, ng Sanchez-Mira, Cagayan at isang Joey Quirabu ng San Pablo, Isabela.

Base pa sa ulat, may 27,423 katao ang naitalang naapektuhan ng pagbaha sa Isabela habang may 9,407 indibidwal naman sa Cagayan.

Nabatid na umakyat ang tubig baha ng hanggang limang talampakan kung saan may 19,188 residente ang naapektuhan sa may 16  barangay sa Casiguran at  Dilasag sa Quezon.

Samantala, anim naman ang iniulat na nawawala na kinilalang sina Cesar Vargas ng Brgy. Sabang, Baler, Aurora; Santi Reynon Brgy. Sabang, Baler, Aurora; Alex Tacla ng Brgy. Sabang, Baler, Aurora; Eduardo Donato, 38, ng Brgy. Masagana, Dilasag, Aurora; Samuel Donato Jr., 15 ng Brgy. Masagana, Dilasag, Aurora; at Samuel Donato Sr., 31, ng Brgy. Masagana, Dilasag, Aurora.

Bukod dito ay maraming kalsada at mga tulay ang pansamantalang hindi madaanan sa ngayon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply