2 patay sa pamamaril sa Agusan del Sur

NAMATAY ang isang minero pati ang umano’y gunman at sugatan naman ang ABC president sa Rosario, Agusan del Sur sa naganap na  barilan sa JK Chua Store and Car Wash na pagmamay-ari ni Donald Chua sa Purok 3, Brgy. Wasian, Rosario, Agusan del Sur.

Kinilala ang namatay na si Crispiniano Ybañez, 26, isang minero na pamangkin ni Wasian Barangay Chairman at ABC President Eduardo Egina De Paz.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Provincial Crime Laboratory Office, kumakain ng agahan si De Paz at ang kapamilya nito habang hinihinintay na matapos ang paglilinis ng sasakyan nitong service vehicle na Isuzu Troper at Mitsubishi Pajero ay bigla na lang dumating ang tatlong armadong lalaki at pinagbabaril ang dalawa pero nakabunot pa ng kanyang baril si De Paz kaya’t isa sa mga triggerman ang napatay.

Nakuha sa crime scene ang isang  blue Honda 125 XRM na walang plate number, pulang helmet, relo, cellphone, 13 slug ng .45 caliber, 28 basyo ng .45 caliber, dalawang fragmented slugs ng .45 Pistol at isang magazine.

Sa ngayon patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP at ‘di pa rin kikilala ang napatay na gunman. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply