2 taxi sinuyod ng ex-PBB housemate

TINAKASAN ng aktres ang limang sugatan pasahero nang salpukin ng kanyang minamanehong van ang dalawang taxi kaninang umaga sa Cubao, Quezon City

Ang suspek na kinilalang si Christine Marie Gonzales, ex-Pinoy Big Brother housemate, ay iniwanan ang kanyang lisensya bago sinundo ng isang pribadong van at pinabayaan ang mga sugatang biktima.

Batay sa ulat, ang insidente ay naganap dakong alas-5:00 kaninang umaga.

Nagbababa umano ng pasahero ang isang taxi nang salpukin nito ang sasakyan ni Gonzales. bukod sa naunang sasakyan ay binundol din ng van ni Gonzales ang isa pang taxi.

Dahil sa insidente, tatlo sa limang sugatan na kinilalang sina Abigail Briones, Jeric Magayon at Remedios Baluyot ay dinala sa pinakamalapit sa pagamutan para malapatan ng lunas.

HInihinala ng awtoridad na naka-inom ng alak ang aktres kaya nagawa nitong tumakas para maikubli ang kalasingan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply