2 testigo sa Ramgen slay idinemanda ni Genelyn

IDINEMANDA ng ina ni Ramgen Revilla na si Genelyn Magsaysay ang dalawang testigo ng pulisya na nagsangkot sa kanyang mga anak sa nangyaring krimen sa Parañaque City Prosecutors Office kahapon.

Kasong Incriminatory Machination ang inihain ni Genelyn sa tanggapan ni Assistant City Prosecutor Napoleon Ramolete laban kina Ruel Puzon at Ronald Ancajas, kapwa testigo sa nangyaring pagpatay kay Ramgen at malubhang pagkasugat sa kasintahan nitong si Janelle Manahan at nagturo sa kanyang mga anak bilang mga pangunahing suspek.

Sa anim na pahinang complaint affidavit ni Genelyn na isinumite ng kanyang abogadong si Atty. Jeffrey Gepte sa piskalya, inakusahan niya ang dalawa ng pagsisinungaling sa sinumpaang salaysay at gumagawa lamang ng maling akusasyon kaugnay sa pagkakaroon ng alitan ng magkakapatid hinggil sa tinatanggap na sustento sa amang si Ramon Revilla Sr.

Hindi aniya totoo ang mga ipinahayag nina Puzon at Ancajas na nag-a-away-away ang magkakapatid hinggil sa tinatanggap na sustento na naging dahilan upang ipapatay sa upahang kriminal si Ramgen.

Binigyan naman ni Ramolete ng hanggang Disyembre 12 ang dalawa na magsumite ng kani-kanilang counter affidavit sa piskalya bilang katugunan sa inihaing reklamo ni Genelyn laban sa kanila.

Kaugnay nito’y inaasahan naman na magsusumite na rin ng counter affidavit sa Huwebes, Disyembre 8,  ang isa pang suspek na si Ryan Pastera, alyas Bryan na itinuturo rin ni Puzon na inutusan ni Ramon Joseph Bautista na maghanap ng upahang killer na papatay kay Ramgen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply