200 pasahero na-stranded sa Manila Domestic Airport

UMABOT sa 200 pasahero ang na-stranded sa Manila Domestic Airport (MIA) dahil sa masamang lagay ng panahon sa Visayas.

Kabilang sa mga stranded ang mga pasahero ng Zest Air flight 302 na biyaheng Kalibo, Aklan.

Bumiyahe Linggo ng gabi ang naturang eroplano ngunit hindi ito nakalapag sa Kalibo dahil sa masamang panahon kaya bumalik na lamang ito sa Maynila.

Tinangka muling lumipad bandang alas-singko ng umaga, pero hindi na naman ito nakalapag kaya bumalik na naman ito.

Ayon kay Sophie Hugo ng Operations Monitoring ng naturang terminal, nagbibigay na lamang sila ng libreng pagkain sa mga na-stranded na pasahero para hindi mag-alburoto ang mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply