2011 NAMSSA Races huling hirit na!

MANILA, PHILIPPINES — Inilipat ng NAMSSA o National Motorcycle Sports and Safety Association ang final round ng Repsol Road Race Championships sa Disyembre 11 imbes na bukas (Linggo, Disyembre 4). Ang karera, na gaganapin sa SM Sucat, ay magsisilbing huling hamon sa mga rider na nagnanais na makamit ang titulong National Underbone Rider of the Year at Underbone Rookie of the Year.

Ang Repsol Road Race Championships ay bahagi ng NAMSSA Road Race Development Program na suportado ng Sonic Boom Motorsports at ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ang final round ng Repsol Road Race Championship ay magkakaroon ng mga Supermoto race na magsisilbing tune-up race ng mga local riders na nagnanais sumali sa FIM Asia Supermoto Championship sa darating na taon.

Ang Supermoto race ay may tatlong kategoryang maaaring salihan ng mga riders: Open Production, Open Imported Enduro at Local Enduro.

Sa Disyembre 10 naman ay nakatakda namang idaos ang huling round ng 2011 NAMSSA Motocross Development Program sa Speedworld MX Circuit kung saan 13 kategorya ng motocross races at apat na kategorya ng ATV/UTV races ang maaaring salihan ng mga rider.

Ang awarding ng mga nagwagi ay gaganapin sa NAMSSA Gala Awards Night sa Disyembre 21 sa Manor Superlub, sa Eastwood sa Libis, Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply