2012 regalo mula sa Panginoon– CBCP

ANG taong 2012 ay isang regalo ng Panginoon sa tao, kaya’t dapat lamang na pasalamatan ng mga Pinoy ang Diyos sa pagbibigay ng isa pang bagong taon sa lahat gayundin sa mga biyayang nakamit sa taong 2011.

Ito ang mensahe ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at Cebu Archbishop Jose Palma sa sambayanang Filipino ngayong Bagong Taon.

Ayon kay Palma, bagamat makakaasa ng mas marami pang biyaya ang mga Pinoy mula sa Panginoon ngayong 2012 at tiyak aniyang may kaakibat itong mga pagsubok, tungkulin at misyon.

Hinimok rin ni Palma ang mga Pinoy na harapin ng buong tapang at puno ng pag-asa ang mga naturang pagsubok, tungkulin at misyon na kaloob ng Diyos.

Iginiit naman ni Palma na ang mga naturang pagsubok, tungkulin at misyon ay ipinagkakaloob ng Panginoon hindi para parusahan ang tao, kundi para na rin sa ikabubuti ng lahat.

“As we thank God for the many blessings He bestowed on us last year, we offer Him praise and thanksgiving as He brings us to another year, the New Year 2012,” ani Palma, sa kaniyang New Year’s message.

“That God has given us yet another year, is both a gift and a task. We are here for a reason; we have a mission. As we embark on life’s journey, we pray for courage and hope. Surely, the task which God has given us is meant for our own good and for the good of the church and the community,” aniya pa.

Iginiit rin ni Palma na sa kabila ng mga dapat gawin ng bawat isa at pagsubok na pagdaraanan ay hindi tayo aabandonahin ng Panginoon dahil ang kabutihan ng Panginoon at kapangyarihan ay mananatili sa ating mga puso.

“We know there is much to do considering life’s challenges in our imperfect society with us who are poor or frail people. Yet, we move forward with contrite hearts and with firm faith knowing God will not abandon us because he loves us (cf. Isaiah 49:15) and convinced of what we are able to accomplish because of the goodness and power in our hearts,” aniya pa.

Ani Palma, marami ring masaganang biyaya na maaasahan ang mga Katoliko sa taong 2012 na dapat na paghandaan.

Kabilang na rito ang 13th Ordinary General Assembly of the Synod of Bishops sa Roma, at ang canonization ni Blessed Pedro Calungsod upang maging ikalawang Pilipinong santo na isang malaking karangalan para sa Pilipinas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply