Death toll sa Iligan umabot na sa 227

TINATAYANG nasa 227 na ang kabuuang bilang ang namatay na dulot ng bagyong “Sendong” sa lungsod ng Iligan.

Samantala, may 400 pa ang iniulat na nawawala at patuloy na ginagawan ngayon ang search and rescue operations.

Sa isinagawang crisis management meeting kahapon (Disyembre 18), ipinaabot ng mga biktima na nasa evacuation center ang kanilang mga pangunahing problema gaya ng tubig, pagkain at damit.

Problema na rin ngayon sa mga funeral parlors lalong lalo na sa Capin sapagkat naubusan na ng mga kabaong dahil sa umaapaw na bilang ng mga bangkay dahil sa nasabing trahedya.

Ngayong araw, sinabi ni Mayor Lawrence Cruz na darating ang donasyon na ipinangako ni Vice President Jejomar Binay at bukas itinakda ang pagdating ni Presidente Benigno “PNoy” Aquino III sa lungsod.

Kahapon ay personal na binisita ni Binay ang isa sa mga nasalantang barangay sa Cagayan de Oro.

Ang Barangay Macasandig ang isa sa mga lugar na higit na nasalanta ni “Sendong” at aabot sa 1,000 katao na ang kasalukuyang sumisilong ngayon sa covered court ng barangay.

Sinabi ni Macasandig Barangay Chairman Aaron Neri na nagbigay ng 500 packed goods ang bise presidente para sa mga biktima at kasama nito si Mayor Vicente Emano.

Ayon kay Neri, patuloy ang kanilang retrieval operation sa Sitio Cala-Cala dahil marami pa aniyang mga bangkay ang natabunan ng lupa at mga bahay.

Dagdag pa nito na nagkukulang na rin sila ng mga cadaver bags para sa kanilang retrieval operation. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply