26,000 puno ng kape ipinamahagi ng DA sa mga magsasaka

IPINAMAHAGI ng Department of Agriculture (DA) ang 26,000 na puno ng kape na Robusta para sa mga magsasaka sa bulubunduking barangay ng Allaguia Kalinga sa ilalim ng Coffee Expansion Program.

Ayon sa Office of the Provincial Agriculturist (OPAG), ang programa ay nagsasakop ng 26.8 na ektarya ng taniman sa mga mabundok na lugar ng Allaguia.

Ang Coffee Expansion Program, ay tugon sa nasisirang tanim na kape na dulot ng bagyo at sa katandahan na rin ng mga puno na nagbibigay na ng mababang ani.

ito arin ay bahagi ng malawakang programa sa pagtulong sa mga magsasaka laban sa mga nakapipinsalang dulot ng environmental change.

Ang Pinukpuk ay isa sa mga bayan ng probinsiya na may mataas na produksiyon ng kape na Robusta dahil sa klima ng lugar.

Ang bagong 21,000 na puno ng Robusta ay nagmula sa sakahan ng kape sa Batangas na nagtataglay ng mataas na uri at ang 5,800 naman na puno na nagmula sa Research Outreach Station ng DA sa Luna, Apayao.

Ang Batangas ang pinanggagalingan ng mataas na uri ng kape na siyang dinadala sa ibang bansa at ang Research Outreach naman sa Apayao ay gumagawa ng malawakang pagsasaliksik sa kape.

Bilang karagdagang tulong, nagbigay din ang DA sa mga magsasaka ng anim na knapsack sprayers, sampung rolyo ng plastic hose, sampung plastic drums na pag-iimbakan ng patubig at PH-meter para sa pagsukat ng acidity ng lupa.

Ang Pinukpuk ay nagbuo ng mga assosasyon ng mga magsasaka ng kape na magtataguyod sa nabanggit na programa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply