$28.6M ihihirit ng UN sa biktima ni ‘Sendong’

NAGLUNSAD ang United Nations ng Philippine (Mindanao) Humanitarian Action Plan 2012, isang panawagan sa international community para sa karagdagang $28.6 million (P1.26 billion) para sa mga relief operation.

Ayon kay Dr. Soe Nyunt-U, acting head ng lokal na UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA), target ng panawagan ang makapagbigay ng pagkain, malinis na tubig, pansamantalang matutuluyan, at mahahalagang gamit sa bahay para sa may 471,000 na mga taong grabeng naapektuhan ng bagyong Sendong sa mga lungsod ng Cagayan de Oro at Iligan, para sa tatlong buwan .

Sinabi ni Soe na ang pangangailangan ay lubhang napakalaki. Inaasahan na umano ng OCHA na makatanggap ng mga pangako mula sa mga donors sa loob ng ilang araw , mula sa 190 miyembro ng UN at international donor organization tulad ng World bank at Asian Development Bank.

Sa pag-analisa ng pamahalaan at ng OCHA, lumalabas na hindi handa ang mga nabanggit na populasyon ng dalawang lungsod na tinamaan ng kalamidad na harapin ang laki ng trahedya at ang kapasidad ng mga lokal na pamahalaan sa mga ‘di inaasahang pangangailangan, dagdag pa ni Dr. Soe. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply