3.5M na dayuhan bumisita sa Pinas ngayong 2011– BI

SA KABILA ng mga trahedyang naganap sa bansa ay dumaragsa pa rin ang maraming dayuhan dito ngayong taong 2011.

Ayon kay Bureau of Immigration Commissioner Ricardo David, Jr., na umaabot sa mahigit na 3.5 milyong dayuhan ang bumisita sa bansa ngayong taon.

Nabatid na nito lamang Disyembre 20 ay may kabuuang 3,580,647 banyaga ang namasyal sa bansa.

Base sa kumisyuner ang naturang datos ay 128,979 o 3.7 % na mas mataas kumpara sa 3,451,668 mula Enero hanggang Disyembre noong 2010.

Gayunaman, ang nabanggit na bilang ay maaari pa umanong madagdagan dahil hindi pa kasama sa datos ang mga nagsidating mula Disyembre 21 hanggang 31.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply