3 araw na extension sa St. Lukes ni CGMA aprubado

MAGKAKAROON ng karagdagang tatlong araw na extension ang pananatili ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa St. Lukes Medical Center sa Taguig City matapos aprubahan ni Pasay City Regional Trial Court Judge Jesus Mupas ang kanilang petisyon.

Ayon sa abugado ni Congresswoman Gloria Arroyo na si Atty. Lawrence Arroyo, pinayagan ang kanilang kahilingan na extension dahil sa ginagawang pagsasaayos ng presidential suite sa Veterans Memorial Medical Center.

“Binigyan kami hanggang Friday ng judge para ilipat si Pangulong Arroyo sa VMMC dahil isa sa issues ang condition ng bathroom. Kailangan palitan ang bathtub at i-retile ang flooring,” ayon kay Atty. Arroyo sa panayam sa radyo.

Hindi naman umalma ang COMELEC sa naging desisyon ng korte at ayon kay Chairman Sixto Brillantes, Jr. kailangan umano nilang sumunod sa kagustuhan ng husgado na humahawak sa kasong Election Sabotage ni Ginang Arroyo.

Matatandaang nauna ng naglabas ng kautusan ang korte na hanggang Martes lamang mananatili si CGMA sa St. Lukes.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply