3 binangga ng fire truck kritikal

TATLO ang napaulat na nasa malubhang kalagayan, kabilang ang isang ginang na pasahero ng “Kuliglig” mataposa mabangga ng rumaragasang truck ng bumbero sa Binondo, Manila,kaninang hapon.

Ang tatlong biktima na hindi pa nakikilala ay kasalukuyang inoobserbahan sa Philippine General Hospital, sanhi ng mga sugat at bali sa braso; binti at kamay.

Sa ulat kay P/Supt. Reynaldo Nava, hepe ng MPD-Traffic Enforcement Group, dakong 4:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Reina Regente, tapat ng ginagawang gusali sa Binondo.

Patungong Caloocan City ang truck ng bumbero ng San Nicolas Fire Department, habang ang kuliglig naman ay galing sa Divisoria patungong South Bound lane, nang mag-counter flow ang firetruck dahilan ng pagkabangga sa kuliglig.

Tumilapon ang tatlo, at sa lakas ng pagkakabangga ay tumiwarik ito sa daan, kaya agad na nagsidatingan ang mga rescuer saka mabilis na isinugod ang mga biktima sa pagamutan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply