3 hinihinalang NPA utas sa sagupaan

INAALAM na ng military kung miyembro ng New People’s Army (NPA) ang tatlong  napatay sa sagupaan matapos ang isinagawang raid kahapon (Linggo, Disyembre 4) sa bayan ng Makilala, North Cotobato.

Ayon kay 57th Infantry Battalion Lt. Manuel Gatus na ang katawan ng tatlong hinihinalang NPA ay narekober matapos ang sagupaan na tumagal ng halos kalahating oras.

Sinabi naman ni Makilala Police Chief Senior Inspector Joyce Birrey na bibigyan nila ng marangal na libingan ang mga naturang bangkay.

Kinilala ng isang ayaw magpakilalang residente sa lugar ang mga bangkay na sina Ka Bamboo, Ka Elgen at Ka Rodel, lahat ay sinasabing miyembro ng NPA Front 51 na pinamumunuan umano ng isang Kumander Marvin.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa rin ng mga awtoridad kung talagang miyembro ng NPA ang mga napatay, upang maibigay ang bangkay sa kani-kanilang pamilya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply