3 holdaper patay, 1 nakatakas

PATAY ang tatlo sa apat na holdaper matapos na makipagbarilan sa mga tauhan ng Manila Police District nang mangholdap ang mga ito ng pampasaherog jeep kaninang madaling-araw.

Habang nakatakas naman ang isa na pinaniniwalaang tumalon sa ilog Pasig.

Ayon kay MPD-Police Station 5 Superintendent Ricardo Layug, nangholdap ang mga suspek  ng isang pampasaherong jeep patungong northbound ng Baclaran-Monumento.

Pagsapit umano sa Bonifacio Shrine ay nagdeklara ng holdap ang mga suspek at isa-isang kinulimbat ang mga gamit,at pera ng mga pasahero.

Bago umakyat sa tulay ng McArthur Bridge ay saka bumaba ang mga suspek kaya nakahingi ng tulong sa mga awtoridad na nakatalaga sa MPD-Station 5 Lawton outpost at agad na rumesponde sa lugar.

Inabutan ng mga awtoridad ang mga papatakas na suspek sa Post Office sa Lawton kung saan nagkaroon ng palitan ng putok.

Narekober naman ang mga baril na gamit ng mga suspek at plastic bag na naglalaman ng mga kinulimbat na cellphone, wallet at alahas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply