3 holdaper todas sa engkuwentro

TATLONG holdaper ang tumimbuwang sa magkahiwalay na engkuwentro sa awtoridad sa Laguna province at sa Divisoria, Manila kagabi (Disyembre 30) at kaninang madaling araw.

Sa Laguna, dalawang hindi nakikilalang holdaper ang napatay sa isang run-gunbattle sa pulisya matapos magkasa ng kanilang huling panghoholdap.

“Dalawa ang naengkwentrong holdaper sa Calamba, sa Turbina. Mga 11:45 p.m. nagkaroon ng holdup sa Cabuyao, may na-holdup na negosyante natangay ang pasweldo, pang bonus sa tauhan,” pahayag ni Laguna police chief Senior Superintendent Gilbert Cruz.

Pero isa aniya sa mga suspek na sakay sa isang motorsiklo ang sinuwerteng nakahulapos sa engkwentro.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa kanila, sinabi ni Cruz na may ipina-follow up ang kanyang mga tauhan na isang flash report sa panghoholdap nang makasalubong nila ang isang kulay puting Honda car, na patungong Batangas.

Pinaputukan aniya ng mga sakay sa kotse ang kanyang mga tauhan na naplitang ipagtanggol ang kanilang sarili. Bagama’t wala aniyang nasaktan sa kanyang mga tauhan, tinamaan naman ang kanilang minamanehong patrol car.

Samantala, sa Maynila, isang pinaghihinalaang holdaper ang napatay nang kumasa ito sa pulisya sa Divisoria district.

Hinoldap ng hindi nakikilalang suspek ang isang namimiling si Christine Garcia sa Tutuban Mall nang maka-engkuwentro ng isang police team bago mag-hatinggabi.

Lumabas pa sa ulat na napilitan ang pulisya na pagbabarilin ang suspek dahil pinagbabantaan nitong saktan ang dalagang kanyang hinoldap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply