3 patay sa pamamaril sa Cotabato City

TATLO ang patay sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril na naganap sa lungsod ng Cotabato kagabi (Disyembre 8) at kaninang madaling-araw.

Dakong alas-10:00 kagabi nang maganap ang unang pamamaril sa panulukan ng Sousa st. at Sinsuat Avenue.

Kinilala ang biktima na si Jonaidan Kamsa, 23, na sinasabing naglalakad lamang sa nabanggit na lugar nang barilin ng ‘di kilalang suspek na sakay ng motorsiklo.

Ang ikalawang pamamaril naman ay nangyari kaninang alas-12:30 ng madaling-araw habang naglalakad lamang ang mga biktimang sina Yaya Midtimbang at Usop Ibrahim nang lapitan ng hindi kilalang salarin at sila’y pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Personal grudge ang nakikitang motibo ng Cotabato City PNP sa naganap na insidente. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply