3 PNP officer todas, 1 pa missing sa response operation

NAGLULUKSA ang buong Philippine National Police sa pagkamatay ng tatlong PNP officer at pagkawala ng isa pa sa asagsagan ng paghagupit ng tropical storm Sendong habang nagsasagawa ng response operation.

Sa report ni AFP Eastern Mindanao Command Spokesman Army Col. Leopoldo Galon, tatlong tauhan ng PNP Responders ay kasama sa 17 namatay sa Bukidnon.

Nabatid na nagsasagawa ng Disaster Response sa kasagsagan ng Bagyong Sendong ang mga pulis na kinilalang sina P/Sr.Insp Arnold Bustarde, Police Insp. Charlito Penullar at SPO1 Charlon Edrote habang nawawala pa rin ang kasamahan nilang si PO1 Sandy Labadan.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz, Jr., tagapagasalita ng kapulisan, hindi nila alam na mapapasama sa may isang libong biktima ng kalamidad ang kanilang mga kasamahan na tumutulong lamang na magligtas ng mga kababayan dahil ang alam nila ay kabilang lamang ang mga ito sa inulat na nawawala.

Pinanganagmabhang aakayat pa sa mahigit isang libo ang bilang ng mga namatay, mula sa 957 na bilang ng naitalang patay kaninang tanghali.

Sa rekord ng National Disaster Risk Reduction Management Council, bukod sa nasabing bilang ng mga namatay, ay nasugatan ang 1,582 indibidwal at mahigit 49 ang nawawala.

Napinsala rin ang may 10,345 na bahay sa mga lugar na hinagupit ng bagyo gaya ng Iligan City, Cagayan, Misamis Occidental, Compostella Valley at Davao del Norte.

Sa ngayon, pumapalo sa mahigit 63,000 pamilya ang apektado ng naturang kalamidad.

Kanina ay idineklara rin ni Pangulong Benigno Aquino III ang state of national calamity dahil sa malaking pinsalang idinulot sa bansa ni Sendong.

Ginawa ng Pangulo ang deklarasyon kasabay ng ginawa nitong pagbisita sa Cagayan de Oro City kung saan agad siyang nagsagawa ng briefing.

Sinabi ng Pangulo na maliban sa Cagayan de Oro, labis ding napinsala ang Iligan City, Ilocos Norte, Quirino at Negros Oriental.

Ayon sa Pangulo, gagamitin ang natitirang P1.7 billion sa calamity fund upang maka-recover ang mga biktima ng kalamidad.

Kasabay din nito, iniutos ng Pangulo ang pagbuo ng fact-finding committee para maayos ang lahat ng sistema at maiwasang maulit ang napakalaking pinsala at dami ng casualties.

Partikular sa nakikitang problema ng Pangulo ay ang deforestation o pagkakalbo na ng mga kabundukan kaya malala ang nangyayaring pagbaha.

“We would like to asure you that we are going to fine-tune all of the systems in place so that now we can prevent this tragedy from ever happening. There is going to be a fact-finding,” ani Pangulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply