3 sugatan sa fireworks show sa UP Lantern Parade

TATLO ang sugatan sa isinagawang fireworks show sa University of the Philippines’ Lantern Parade kagabi, Biyernes, Disyembre 16.

Batay sa report ng dzBB, Sabado ng umaga, isang matandang babae ang nasaktan sa balikat makaraan itong mahulog habang hindi pa rin pinapangalanan ang mga biktima.

Base sa inisyal na imbestigasyon, isa sa mga fireworks ang lumihis sa nasabing show.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing insidente at mahaharap sa mga kaso ang fireworks operator kung mapapatunayang may kapabayaang naganap.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply