3 telcos kakasuhan na ng NTC

ISASAMPA na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang kaso laban sa tatlong malalaking telecommunication firm (telcos) sa bansa dahil sa hindi pagtalima sa kautusan ng komisyon na ibaba ang singil sa short messaging system (SMS).

Sinabi ni NTC Director Rdgardo Cabarios na dagsa ang natanggap nilang reklamo hinggil sa kabiguan ng mga nasabing telcos na ipatupad ang pagbaba sa singil sa text sa P0. 80 mula sa dating P1. 00.

Isasailalim pa naman sa pagdinig kung maniningil ng refund.

Alinsunod sa batas, multang P200 kada araw ang ipapataw sa bawat araw ng paglabag.

Nagbabala rin si Cabarios ng suspensyon, kanselasyon at maging pagbawi ng kapangyarihang mag-alok ng SMS service sa mga telecom.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply