3 timbog sa droga sa Quezon City

SWAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang drug trafficker matapos na madakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District-District Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task-Group sa isinagawang entrapment operations laban sa mga ito sa Quezon City kagabi (Disyembre 4).

Sa isinumiteng ulat ni Chief Inspector Richard Ang, kay QCPD-District-Director chief Supt. George Regis, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Onabit Mukiram, 26, Roem Ynawat, 33, kapwa residente ng Mujaiden St., Muslim Compound, Barangay Culiat, QC, at Manolito Aris, 47, taxi driver at taga-Riverside St. Commonwealth, QC.

Ayon sa ulat ni PO2 Rolando Alieger, ng DAID, SOTG, matagal nang nasa watch list ng DAID ang mga suspek dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga sa lugar.

Dahil dito matapos silang makakuha ng impromasyon ay agad na sinalakay ng mga operatiba ang Mujucudo St. Muslim Compound sa lugar kung saan nadakip ang mga suspek at mahulihan ng iligal na droga.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 ang mga nahuling suspek sa piskalya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply