3 tulay sa Isabela hindi madaanan

HINDI na madaanan ang tulay na nag-uugnay sa Sto. Tomas at Cabagan, Sta. Maria at Cabagan Isabela dahil sa pagtaas ng water level sa Cagayan river bunsod pa rin ng walang tigil na pag-ulan.

Nabatid na muling nakaalerto ang mga mamamayan sa Isabela lalo na ang mga nakatira sa mababang lugar at malapit sa mga ilog at sapa.

Ang water elevation ngayon ng Magat dam ay 192.84 meters habang ang inflow ay 416 cubic meters per second, habang ang outflow ay 322 cubic meters per second.

Samantala, hindi naman apektado ang daan papasok at papalabas sa Region 2 sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply