30 huli sa paninigarilyo sa PUJ

TATLUMPUNG katao ang nadakip ng mga tauhan ng Manila Anti-Smoking Task Force (MASTF) bunsod ng ipinatutupad na ordinansa sa lungsod ng Maynila.

Batay sa report na tinanggap ni City Administrator Jesus Mari Marzan mula kay SPO4 Manuel Andaya, ang 30 ay nahuli sa aktong naninigarilyo sa loob ng mga pampasaherong dyip.

Ayon kay Marzan, mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong sasakyan matapos ang pormal na paglulunsad ng Anti-Smoking campaign noong nakaraang buwan.

Paliwanag ni Marzan, na dapat magkaroon ng respeto ang mga pasaherong naninigarilyo sa kanilang kapwa pasahero dahil nalalanghap din ng mga ito ang usok na kanilang ibinubuga.

Aniya, mas malaki umano ang epekto nito sa mga hindi naningarilyo na nakasasagap ng usok.

Sinabi pa ni Marzan na mayroon namang mga itinalagang lugar para manigarilyo at hindi sa mga sasakyan.

Layunin umano ng Maynila na maging malinis ang hangin sa lungsod kung kaya’t puspusan ang kanilang kampanya katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply