32 barangay sa Capiz apektado ng pagbaha

ISANG araw lamang na bumuhos ang malakas na pag-ulan ngunit umaabot na sa 32 barangay ang naapektuhan ng pagbaha mula sa walong bayan sa lalawigan ng Capiz.

Sa pinakahuling report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, partikular na naapektuhan ng pagbaha ang 16 mga barangay sa bayan ng Sigma at 11 sa Mambusao.

Habang may tig-isang barangay rin ang binaha sa Panay, Panit-an, Ivisan, Sapian, Sigma at Roxas City.

Ayon sa NDRRMC, may mga hindi na ring madaanan kalsada sa mga nasabing bayan dahil lubog na rin sa tubig baha.

Kaugnany nito, patuloy naman ang monitoring ng PDRRMC sa mga nabanggit na lugar na apektado ng pagbaha. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply