350 kilong karne kinumpiska ng NMIS sa Divisoria

SINAMSAM ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang may 350 kilong karne mula sa limang tindahan sa palengke ng Divisoria sa Maynila.

Nabatid na bagama’t may permit na magbenta ng local at imported frozen meat ang mga pinasok na tindahan, hindi naman maayos ang pag-iimbak nila ng karne kung saan imbes na nasa freezer, nakalatag lang ang mga ito sa mesa at ang iba naman ay pinagsisiksik sa mga sako.

Ilang beses na umanong binalaan ng NMIS ang mga tindahan doon ngunit patuloy pa rin umano ang kanilang pagbebenta.

Nakatakdang dalhin ang mga kumpiskadong karne sa warehouse upang idispatsa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply