36 palaboy dinampot ng MCAT

DINAMPOT ng mga tauhan ng Mayor’s Complaint and Action Team ang 36 palaboy sa Maynila na namataang pagala-gala sa ilang lugar sa lungsod.

Ayon kay Ret.S / Supt. Franklin Gacutan, hepe ng MCAT, dinampot ang mga palaboy sa lugar sa Lawton, Mabini, Roxas Boulevard at sa bisinidad ng Manila City Hall.

Tinatayang nasa edad na 60 anyos ang pinakamatanda habang nasa 14 anyos naman ang pinakabata.

Binigyan umano ni Manila Mayor Alfredo Lim ng direktiba si Gacutan upang alisin sa mga lansangan ang mga palaboy dahil ginagawa ng mga itong tirahan ang lansangan.

Ang mga ito ay dinala naman sa Manila Social Welfare Department-RAC upang doon pansamanatalang manuluyan hangga’t hindi sila naibabalik sa kanilang mga kamag-anak. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply