37 bansa na mapanganib sa OFWs pwede nang balikan

INIHAYAG na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na maaari nang balikan o muling magtrabaho ang Filipino Overseas Workers (OFWs) sa 37 bansa na unang idineklarang hindi ligtas na destinasyon.

Kaugnay nito, sinabi ni POEA Chief Carlos Cao,  nakatakda nang mag-isyu ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng sertipikasyon ng listahan ng 37 bansa na maaari nang puntahan ng Pinoy workers.

Magugunitang inilabas ng DFA ang 41 bansang hindi maaaring puntahan ng OFWs dahil sa mapanganib na sitwasyon para sa mga ito.

Nilinaw  ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz na hindi dapat mabahala ang OFWs.

Nagpalabas na rin ang DOLE ng isyu hinggil sa 41 bansa na hindi pwedeng pagtrabahuhan ng OFWs.

Matatandaang ayon kay Baldoz, sa resolusyon na inaprubahan ng POEA hindi sila maaaring magpadala ng mga manggagawang Pilipino sa mga bansa na inilagay nila sa kategoryang hindi ligtas na puntahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply