4 bebot, totoy kritikal sa samurai ng kapitbahay

KRITIKAL ang apat na bebot at totoy na magkakamag-anak nang paghahatawin ng samurai ng kapitbahay sa Caloocan City kaninang umaga.

Inoobserbahan sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga taga sa ulo sina Saida Candamasir, 22; Cairon Candamasir, 25; Normalan Candamasir, 24; Olinor Candamasir, 21 at Mostafa Candamasir, 13, pawang ng D. M. Cmpd., ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Danny Diamla, nasa hustong gulang at kalugar ng mga biktima.

Batay sa ulat, dakong 8:30 ng umaga, nasa loob ng kanilang bahay ang mga biktima nang pasukin ng suspek sabay sabing “pagpapatayin ko kayo.”

Isa-isang pinagtataga ng samurai ng suspek ang mga biktima bago tumakas habang dinala naman ang magkakamag-anak sa PDMMMC.

Inaalam na ng mga pulis ang pinag-ugatan ng nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply